Friday, October 8, 2010

Teka, break muna.

May na-realize lang kasi ako. Halos every week may bago akong crush. Ba't ganun? Haha. Nakakatawa lang e. Four weeks ago, yung dude na taga-ComTech. Three weeks ago, ewan, 'di ko masyadong maalala. Last week, yung dalawang magka-halos-pangalan (yep you heard right dalawa haha). This week, iba nanaman. Even before that may crush rin ako for a week na taga-UP. Meron rin before that yung sa AIESEC. After that sa AJMA naman. Ayos ah.

Pero ang tanong parin e: bakit hanggang crush lang?

hahah kainis e. Lahat naman ng crush ko, mga crush lang from afar. Like wtf! Haha, pwede ba akong 'di maging ambisosya for a week? Pero hindi rin talaga mapipilit, e. Ba't ganun? Ba't ganun?

Well, alam ko namang walang sasagot sakin niyan. Anyway sobrang what the hell lang kasi ng hell week. Ang masakit pa, feel na feel ko na talaga ang sembreak at tinatamad na talaga ako gumawa ng mga papers. Alam mo naman kasi ako, uninspired. BV lang 'no?

At least tapos na ang debate. Tapos yung poster, well, madali nalang naman na yun. Medyo 2/5 done rin naman ako sa Fil. Nag-aalala lang ako dun sa Lit video, Eng paper at ES project. Oh my gooosh. Teka panic mode na ako bukas pag bukas wala pa samin yung info. (Wala lang, gusto ko lang mag-panic,pero as if naman sisimulan ko naman kagad yung part ko sa paper once lumabas na yun no?)

Anyway naalala ko lang na may kailangan akong gawin! Bye

No comments:

Post a Comment